Kauna-unahang SONA ni P-NOY

By Gab ServillonThe Gift of Gab

Nakuha natin ang SONA mula sa sistema ng Amerika kung saan ang SONA nila ay tinatawag na State of the Union Address. Kapareho sa atin yearly din ito ginagawa, tinatalakay dito kung ano ang mga nagawa ng isang Presidente sa kanyang panunungkulan sa nakaraang taon at kung ano pa ang magiging solusyon niya sa mga problema na kinakaharap ng kanyang bansa.

Tungkol naman sa magiging SONA ni President Noynoy Aquino, wala pa siyang dapat ireport tungkol sa kanyang mga nagawa dahil kauupo pa lamang niya sa kanyang panunungkulan. Imbis na ifocus ni P-NOY ang kanyang SONA sa mga balak niyang gawin or mga solusyon para sa problema na kinakaharap ng ating bansa, magugulat daw tayo sa kanyang ibubunyag sa nakaraang administrasyon. Isa pa dito ang pagkokondisyon niya sa isip ng mga tao na pag di niya nasolusyonan ang mga hinaharap na problema ng ating bansa dahil daw ito kay President Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa pagpapatakbo ng gobyerno natin, malaking bahagi ng nagpapatakbo nito ay pera. Ang posibleng talakayin sa SONA ni P-NOY ay ang budget ng gobyerno for this year na 1,500 Bilyong Piso, kalahati daw nito ay nagugol na ni PGMA at wala na daw siyang dadatnan.

Sa opinion ko, imposibleng magalaw ni PGMA ang kalahati ng budget, unang una andyan ang Commission of Audit, paglabag sa batas iyon. Under the Constitution pwede kang mag transfer ng fund pero di ka pwedeng lumagpas sa nilabas na quarter budget. Halimbawa, naglabas ng budget para sa Department of Education ng 2 Bilyong Piso, di pwedeng makuha yung kalahati nun, dahil quarterly ang paglabas ng budget. Yung budget lang for 3 months ang pwedeng ilabas. Sa opinion ko, dapat pag-aralan mo muna maigi yang sinasabi mo at huwag kang bira ng bira.

Di maiaalis na kahit tapos na ang halalan, andyan pa rin ang pamomolitika. Ayos din kasi di mo matatawag na may demokrasya sa isang bansa kung walang pamomolitika. Ang masama lang ay ang masyadong pamomolitika ng ibang politiko. Ano daw? haha!

Advertisements

About Dakila

DAKILA (nobility) - Philippine Collective for Modern Heroism is a group of artists, students and individuals committed to advocating social consciousness formation through the arts.

Posted on July 26, 2010, in Active Vista. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: