To kill or not to kill? That is the question.

By Gab ServillonThe Gift of Gab
August 06, 2010 (10:30am)

Pinag-aaralan na ni Sen. Tito Sotto ang paghahain ng panukalang batas upang muling ibalik ang “death penalty” sa Pilipinas para sa mga “drug trafficker.” Nakakaalarma kasi na tuloy pa rin ang pagbebenta ng mga iba’t ibang uri ng drugs kahit nakakulong na ang mga sinasabing mga “drug lords” dito sa Pilipinas.

Naalarma si Sen. Sotto dahil sa nahuling nagkalat na bulto ng cocaine sa kabisayaan. Pinapakita lang daw nito na hindi na daanan kundi merkado na ng cocaine ang Pilipinas. Sinasabi niya na ang cocaine na ito ay binagsak sa karagatan ng Eastern Samar ng isang dayuhang barko noon pang Disyembre. Sa dami ng nagkalat na cocaine daw sa bansa ayon kay Sen. Sotto bagsak presyo daw ito. Ang shabu daw kasi na kung tawagin ay “poor man’s cocaine” ay nagkakahalaga ng P7,000 kada gramo ang mismong cocaine naman P3,000 – P3,500 naman kada gramo.

Nagsampa na din ng pankulang batas si Sen. Sotto para maisama sa coverage ng PhilHealth ang drug rehabilitation.  Iaacredit naman ng PhilHealth ang drug rehabilitation centers para abo’t kaya o libre ang pagpaparehab.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA as of 2008 nasa 6.4 milyon ang mga drug users sa bansa pero di man lang tumaas sa 1 % ang nagparehab dito.

May panukalang batas na rin  si Sen. Sotto para itayo ng hiwalay na kulungan para sa mga drug offenders sa kadahilanang kahit nakakulong na ang mga drug lords nakakapagoperate pa din sila.

Pinagaaralan na rin ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng death penalty para sa mga drug trafficker, “But if not, if we can’t push for it, then the best solution would be a National Penitentiary for drug crimes. Ihiwalay natin sila, place them in an island, walang cell site!” – Sen. Vicente Sotto.

Pero kung ang balak lang isulong ni Sen. Sotto ay ang parusang bitay para sa mga drug traffickers, ayon sa Malacañang, ngayon pa lang, malinaw na ang posisyon ni P-NOY kontra death penalty.

Sangayon ako sa intensified campaign against drugs, ang drugs kasi cancer na sa lipunan yan pero kung sasabihin ang pagbabalik ng death penalty, di siguro. Sa sistema kasi natin ngayon kung gusto kang walang kasalanan, wala kang kasalanan, kung gusto ka naman tamnan ng ebidensiya, tatamnan ka. Ibang tao kasi sang ayon sa pagpataw ng kamatayan para magkaroon ng takot sa utak ng mga drug users and traffickers.

Ano ang kasiguruhan na yung papatawan ng kamatayan ay totoong may kasalanan? Kung minsan kasi, halimbawa, drug trafficker, sinabing may kasalanan, nahatulan ng death penalty, pinatay, nung nireview ang kaso, wala palang kasalanan. Sus! Ano ba talaga ang dapat na maging kaparusahan sa mga drug traffickers? Sa ngayon ang pinakamataas na kaparusahan sa mga drug traffickers dito sa Pilipinas ay life imprisonment, kung ang ipinapasa ni Sen. Sotto na magkaroon ng ala “Alcatraz” dito sa Pilipinas, maglalabas na naman ng malaking pondo ang gobyerno natin para dito. Sa tingin ko di maganda yung proposal niya na yun. Pero I agree sa mas mura o libre na rehabilitation centers na balak ni Sen. Sotto, in that way no one will die, and everyone can improve better with their lives. Kaw? Watchatink?

Advertisements

About Dakila

DAKILA (nobility) - Philippine Collective for Modern Heroism is a group of artists, students and individuals committed to advocating social consciousness formation through the arts.

Posted on August 6, 2010, in Active Vista. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: