It’s Illegal!?

By Gab ServillonThe Gift of Gab
August 12, 2010 (10:39am)

“Hindi naaayon sa batas ang pagpataw ng 12% Expanded Value-Added Tax o EVAT” ayon mismo sa may akda ng VAT law, buwelta naman ng Bureau of Internal Revenue, makatwiran at walang illegal sa kanilang isinusulong.

Ayon sa paniniwala ng ilang Senador tungkol sa dagdag na 12% EVAT sa Toll na ipapatupad na sa Lunes ito daw ay labag sa batas. Malinaw kasi sa Revised EVAT Law, RA 9337 Value-Added Tax on Sale of Services and Use of Lease of Properties, “…Common carriers by air and sea relative to their transport of passengers, goods or cargoes from one place in the Philippines to another place in the Philppines…”
Mali ang pagdadahilan ng BIR na pwedeng patawan ng VAT ang mga Toll way na naaayon daw sa EVAT Law.

“Walang VAT when you ride a taxi or when you ride a bus or a tricycle, all land base is non-Vatable because of the impracticality of it. Pag pinayagan naman natin yan ano ang susunod, PNR, LRT, MRT? – Sen. Ralph Recto.

“Kami po ay nananawagan kay Secretary Purisima kung pwede ipagpaliban pa itong imposition ng VAT para mapag-aralan kung ito’y may basehan sa ating batas.” – Sen. Franklin Drilon

It is double-speak on the part of some of the officials of the Government when they say that ‘this is not a new TAX’ when it will be imposed for the first time, it is a new TAX. Sino ang niloloko natin? Sino ang binobola natin?” – Sen. Ralph Recto

Ayon naman sa BIR hindi ito illegal, “Yun ho yung binabayad mo sa paggamit mo nung kalsada na tinayo ng isang pribadong kumpanya. Tinayo nila diyan ipapagamit nila sa tao siyempre kapag gagamitin mo yun magbabayad ka.” – BIR Commisioner Atty. Kim Jacinto – Henares

Pinatawag na ng Commitee on Ways and Means sa hearing ngayong araw ang mga opisyal ng BIR, Department of Finance sa Transportation at ibang mga grupong maaapektuhan ng VAT sa Toll. Kahapon din nakipagpulong ang South Luzon Bus Operators Association kay Sen. Recto para sa magaganap na hearing ngayong araw. Panakot nila na kapag natuloy pagpapataw ng EVAT sa Tollway at 250% na dagdag singil sa SLEX, 50sentimo kada kilometro na dagdag pasahe ang hiingiin nila at 20sentimo kada kilometrong provisional increase.

“Kami’y magtataas lang kasi may dagdag ng EVAT eh” – South Luzon Bus Operators, President Homer Mercado

Ayon naman kay Sen. Recto, kung di talaga mapipigilan ang pagpapataw ng EVAT sa Tollway option daw ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para sa isang Temporary Restraining Order laban dito.

Akala ko ba President Noynoy Aquino di magkakaroon ng panibagong buwis sa ilalim ng pamumuno mo? Eh ano itong EVAT para sa mga tollway? Ang laking epekto nito sa mga Bus Riders at pag nagtagal malamang umalma na din ang mga jeepney drivers dito kasi may mga bumabyahe din na jeep from Edsa to South. Halimbawa na lang from Alabang going to Dakila Office sa Kamuning magkano na binabayad ko 50+ na, eh pano pag dinagdagan pa? Parang bumyahe ako ng pa Batangas sa mahal ng pamasahe ah? Pakitutukan naman ito P-NOY, sabi nga ni Vice-President Jejomar Binay, “Basta gusto, mapipigilan, walang makakatawad. Nasa nagdedesisyon yan.”

Advertisements

About Dakila

DAKILA (nobility) - Philippine Collective for Modern Heroism is a group of artists, students and individuals committed to advocating social consciousness formation through the arts.

Posted on August 12, 2010, in Active Vista. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: